Print

Napaigting ang mga pagsusumikap ng pamahalaan na gawing sustainable ecotourism destination ang Boracay nang makatanggap ng limang solar-powered vehicles na gagamitin
sa pagpapatrolya at rescue service sa sikat ng isla.

Ang mga sasakyan – isang patrol boat, tatlong e-bikes, at isang ambulansya – ay binigay ng Star 8 Green Technology Corp at ng Southwest Travel and Tours sa Department
of Environment and Natural Resources (DENR).

Ang donasyon ay sinakop ng isang Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan ng dalawang kumpanya at ng DENR na siyang nangunguna sa Boracay Inter-agency Task
Force (BIATF) sa pagpapanumbalik ng sigla ng Boracay.

Kasama ni DENR Secretary Roy A. Cimatu na lumagda sa MOA sina Star 8 Green Technology Corporation President Jacob Maimon at Southwest Travel and Tours President
Cedric Sazon. Ginanap ang pirmahan ng kasunduan noong Abril 25 sa Boracay.

Base sa MOA, nag-donate ang Star 8 Green Technology Corporation ng isang unit ng solar-powered patrol boat, tatlong unit ng electric bike at isang unit ng solar-powered medical
rescue van o ambulance.

Nakasaad pa sa sa kasunduan, gagamitin ang solar-powered banca sa pagpapatrolya sa mga baybayin ng isla, ang tatlong unit naman ng electric bike ay magagamit sa pagbibigay ng
seguridad sa kalupaan, habang ang medical rescue van ay para sa disaster and rescue operation.

Tungkulin naman ng Southwest Travel and Tours ang pagbibigay ng operation at maintenance support para sa mga ibinigay na donasyon ng Star 8 Green Technology
Corporation sa loob ng dalawang taon.

Sasagutin naman ng DENR ang mga gastos sa pagpapagawa at pagpapalit ng piyesa ng mga ipinagkaloob na donasyon mula sa Star 8 Green Technology Corporation at maaari
lamang gamitin ang mga ito sa mga paraan na nakasaad sa MOA.

Bilang chairman ng Boracay Inter-agency Task Force (BIATF), pinasalamatan ni Cimatu ang dalawang kumpanya.

Sinabi rin ni Cimatu: “The donated vehicles will not only help sustain enforcement and sustainability efforts, but also minimize air and noise pollution in Boracay.”
Sinabi naman ni Star 8 chief executive officer Jacob Maimon na ang pagdonasyon nila ng mga nasabing sasakyan “is their way of helping maintain a green environment in the
island.”

Ang e-bike ay may speed na 100 kilometer per hour at range na 150 kilometers bago muling i-charge, samantalang ang ambulansya ay may maximum speed na 90 kph.
Ang solar-powered na patrol boat naman ay may speed na 5 knots, at tumatagal ng 8 oras bago ire-charge. ###